Retiradong pulis patay, kaibigang pulis sugatan sa pamamaril sa Tagum

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2019 01:03 AM

TAGUM CITY - Patay ang isang retiradong pulis habang sugatan naman ang kaniyang kaibigang pulis sa pamamaril sa Tagum City, Davao del Norte Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Simplicio Samar Jr. habang nagpapagamot naman sa ospital si PO3 Eduardo Bajalia.

Base sa imbestigasyon, binaril ng hindi pa kilalang salarin si Samar sa harap ng kaniyang pagmamay-aring pawnshop sa Osmeña St.

Nagkapalitan naman ng putok si Bajalia at ang gunman. Tinamaan si Bajalia habang napatay ang salarin.

Inaalam pa ng Tagum police ang motibo sa insidente. - ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.