Kagawad patay nang makuryente sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2019 03:39 PM

Patay ang isang barangay kagawad nang makuryente habang nag-aayos ng nasirang street light sa Paoay, Ilocos Norte. 

Kinilala ang biktima na si Villamor Menor, kagawad ng Barangay Nagbacalan. 

Nasa taas umano ng street light si Menor nang makuryente at bawian ng buhay noong Linggo. 

Ayon sa mga residente, nakagawian ni Menor ang tumulong sa pag-aayos ng sirang street light sa lugar. 

Tingin ng bayaw ng biktima na si Casimiro Reyes, maaaring buhay pa si Menor kung hindi ito sumabit sa poste. 

Dagdag niya na maaaring natakot ang mga residente na tumulong sa posibilidad na sila mismo ay makuryente rin. 

Ipinaalala ni Paoay, Ilocos Norte police chief Senior Insp. Eddie Suyat na gumamit ng safety gear o kumuha ng lisensiyadong electrician para makaiwas sa aksidente. -- Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.