Dugong, natagpuang patay sa dalampasigan ng Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2019 09:41 PM | Updated as of Feb 06 2019 09:51 PM

Isang dugong ang natagpuang patay sa dalampasigan ng bayan ng Pulupandan sa Negros Occidental.

Pinagtulungan ng mga residente ang paghila sa dugong na natagpuan sa dalampasigan ng Barangay Zone 6 Miyerkoles ng hapon.

Hindi pa tukoy ang kasarian ng dugong na nasa state of decomposition na. May haba itong nasa 9.5 talampakan.

Ayon kay Mahjie Infante ng Local Disaster Risk Reduction Management Office, ipapasuri pa nila kung may mga sugat ang patay na dugong at nang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

Mahigpit na ipinapatupad ang pagpapahalaga sa mga protected marine life sa bayan kagaya na lamang ng dugong.

Kamakailan ay natagpuan rin sa karatig-bayan ang isang patay na Irrawady dolphin.

Patuloy ang panawagan ng LDRRMO sa mga residente, lalo na sa mga mangingisda, na bantayan at pangalagaan ang dagat at paligid.

Bukas inaasahang ililibing ang dugong pagkatapos ng isasagawang necropsy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.