Anak ng konsehal sa GenSan, timbog sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2019 01:54 AM

GENERAL SANTOS CITY - Arestado ang isang anak ng city councilor sa buy-bust operation sa General Santos City Martes ng hapon.

Narekober sa suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P6,000.

Ayon kay Chief Insp. Tirso Pascual, hepe ng City Police Drug Enforcement Unit, nakabili ng droga ang poseur buyer mula sa suspek sa harap ng bahay nito sa Barangay Lagao.

Dagdag niya, sumailalim na sa rehabilitation ang suspek. Hindi rin umano ito basta-basta nagbebenta ng droga kapag hindi nito kilala.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.