Magkasintahan timbog sa buy-bust; P300K halaga ng 'party drugs' nasabat

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 10:41 AM | Updated as of Aug 25 2018 01:14 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Arestado sa buy-bust operation sa isang apartelle sa West Triangle, Quezon City, Martes ng umaga, ang magkasintahang nagbebenta umano ng ilegal na droga. 

Kinilala ang mga suspek na sina Russell Tan at Jazel Cabresos, na nahuli sa Room 21 sa Examiner Street.

Narekober sa magkasintahan ang may 21 gramo ng hinihinalang cocaine na nakalagay sa mga pakete, 26 na piraso ng ecstasy capsules, 8 bote ng liquid ecstasy at mga drug paraphernalia.

Aabot sa mahigit P300,000 ang halaga ng ilegal na drogang nakuha sa 2 suspek. Itinanggi ng 2 ang paratang, at iginiit na planted o itinanim lamang ang mga ebidensya.

Ayon sa pulisya, naaresto na si Tan noong 2015 pero napalaya rin ito matapos payagan ng korte na magpiyansa. Target umano ngayon ni Tan ang mga may-kayang estudyanteng mahilig mag-party.

--ulat ni Jekki Pascual at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.