Bangkang patungong Camotes Island lumubog; 2 patay, 3 nawawala

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 11:14 PM | Updated as of Feb 07 2018 01:20 AM

Nailigtas ang 29 pasahero at crew ng bangkang lumubog sa karagatan ng Camotes Island nitong Martes ng umaga. Kuha ni Dexter Godzman

(UPDATED) Patay ang dalawang tao habang tatlong iba pa ang nawawala matapos lumubog ang isang bangka sa karagatan ng Camotes Island nitong Martes ng umaga.

Watch more in iWant or iWantTFC

Kuha ni Dexter Godzman

Nailigtas naman ang 29 pasahero at crew ng bangka na galing Carmen, northern Cebu matapos lumubog ito dulot ng malalaking alon at malakas na hangin bandang alas-9 ng umaga.

Lumubog ang isang bangka sa karagatan ng Camotes Island nitong Martes ng umaga. Kuha ni Dexter Godzman

Isinugod sa ospital ang mga pasaherong nagtamo ng sugat habang idinala sa Mandaue City Social Welfare Services Office ang iba para sa stress debriefing.

Sumailalim sa stress debriefing ang mga pasahero ng lumubog na bangka sa karagatan ng Camotes Island, Martes ng umaga. Donna Lavares, ABS-CBN News

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.--May ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.