6 timbog sa buy-bust sa Caloocan

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 07:46 AM | Updated as of Feb 06 2018 08:38 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

 Kuha ng Caloocan PNP

Arestado ang anim katao, kabilang ang dalawang menor de edad, sa isang buy-bust operation sa Barangay 73, Caloocan Lunes ng gabi.

Huli ang mag-live-in partner na sina Jomarie Lascano, 25-anyos, at Kristine Macala, 22-anyos.

Ayon kay Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, target nila sa operasyon ang mag-live-in partner.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis at inaresto ang dalawa pagkatapos ng transaksiyon.

Dinampot din ng pulisya ang apat na iba, kabilang ang dalawang 17-anyos, na nasa loob ng bahay.

Kinilala ang dalawang hinuli na sina Aaron Colaste, 19-anyos, at Cjhay Javier, 18-anyos.

Narekober mula sa kanila ang anim na sachet na hinihinalang shabu.

Dagdag ni Modequillo, marami na umano silang natanggap na reklamo laban sa mag-live-in partner ukol sa bentahan ng ilegal na droga sa naturang bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.