PatrolPH

Tinuturong big-time scammer timbog sa Taguig

Karen de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2023 01:40 PM | Updated as of Feb 07 2023 07:33 PM

Watch more News on iWantTFC

Arestado ang isang babaeng itinuturing na big-time scammer sa Taguig, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Sa bisa ng arrest warrant, hinuli ang suspek sa Barangay Fort Bonifacio dahil sa paglabag sa Anti-Bouncing Check Law.

Ayon sa real estate agent na si Ram Villegas, isa sa mga biktima, kinausap siya ng suspek para magpatulong na maghanap ng condominium sa Bonifacio Global City pero tumalbog ang inisyu nitong tseke.

Muling nagpatulong sa kaniya ang babae pero sa pagkakataong iyon ay nag-background check si Villegas at nalamang scammer umano ang suspek.

Ayon sa pulisya, sari-sari ang modus ng suspek.

"'Yong isa nating complainant, allegedly na-scam siya ng P10 million for business profit, pinangakuan ng mataas na interes. 'Yong isa naman, nakilala sa parang dating app. 'Yong iba naman ay kaibigan na nangako," ani Maj. Judge Donato.

Ayon sa isa sa mga biktima, founder ng isang fashion company ang pakilala sa kaniya ng suspek.

Matapos kuhanin ang kanilang tiwala, nagsimulang manghiram ng pera ang babae.

Desidido ang mga biktima na ituloy ang kaso para hindi na anila makapanloko ng iba ang suspek.

Nagpaalala naman ang pulisya na huwag basta-basta magtiwala at maghangad ng mabilisang kita ng pera para hindi mabingwit ng mga scammer.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.