PatrolPH

Labi ng pinaslang na OFW na si Jullebee Ranara, inilibing na

Robert Mano, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2023 01:05 PM | Updated as of Feb 05 2023 07:38 PM

Relatives of Jullebee Ranara, a domestic helper who was killed in Kuwait, grieve during her funeral at a cemetery in Las Pinas, Metro Manila on February 5, 2023.  Police recovered Ranara's burnt remains in the Kuwaiti desert and later arrested the 17-year-old son of her employers. Jam Sta. Rosa,  AFP
Relatives of Jullebee Ranara, a domestic helper who was killed in Kuwait, grieve during her funeral at a cemetery in Las Pinas, Metro Manila on February 5, 2023.  Police recovered Ranara's burnt remains in the Kuwaiti desert and later arrested the 17-year-old son of her employers. Jam Sta. Rosa,  AFP

Naihatid ngayong Linggo sa kaniyang huling hantungan si Jullebee Ranara, ang overseas Filipnio worker na pinaslang sa Kuwait.

Alas-8 ng umaga nang umusad ang funeral cortege ni Ranara.

Buhos ang mga kaanak at kaibigan na naghatid sa kanya sa Golden Haven Memorial Park sa Las Piñas City.

Nagkaroon ng maikling programa kung saan nagsalita ang ilang kapamilya at kaibigan ni Ranara, na nagpasalamat sa lahat ng nakiramay.

Ikinuwento ni Jenny Magay, pinsan ni Ranara, kung gaano kabait ang napaslang na OFW.

Noong una aniya'y hindi siya naniwala sa sinapit ng pinsan.

"Hindi kami naniniwala hangga't hindi namin nakikita na siya po talaga 'yon. Kasi wala po talaga sa isip namin na mangyayari sa kaniya 'yon," ani Magay.

"Hangad namin ang hustisya para sa pinsan namin," dagdag niya.

Hindi naman napigilan ng pamilya ang kanilang matinding pagdadalamhti at hinimatay ang isa sa tiyahin ni Ranara.

Watch more News on iWantTFC

Ayon naman kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnell Ignacio, tuloy pa rin ang pagtulong ng pamahalaan para makamit ang hustisya para kay Ranara.

"Ang susunod na hakbang natin 'yong hustisya na hinihiling at kailangan na maibigay sa pamilya at kay Jullebee," ani Ignacio.

Nakipaglibing din ang 2 kapatid ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinaslang din sa Kuwait noong 2018.

Ayon kay Joyce Demafelis, ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng pamilya Ranara.

"Sana mabigyan po [sila] ng hustisya agad-agad, hindi gaya sa amin, sobrang tagal po, at sana mabigyan na din po hustisya sa amin," ani Demafelis.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.