PatrolPH

Lalaki nahulihan ng higit P250,000 na hinihinalang shabu sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2021 04:09 AM | Updated as of Feb 05 2021 06:51 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) - Arestado sa buy-bust operation ang 39 anyos na lalaking tulak umano ng droga sa Sta. Cruz, sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek bilang alyas Nel, residente ng Yuseco Street kung saan din nangyari ang transaksiyon.

Nasa P300 halaga ng hinihinalang shabu ang ibinenta niya sa poseur buyer, pero nakuha pa sa kaniya ang nasa 37 gramo ng umano'y ilegal na droga.

Tinatayang aabot sa P251,600 ang halaga ng nakumpiskang droga mula sa suspek.

Walang trabaho umano si Nel, at malakas na sa pagtutulak ng droga sa lugar lalo’t miyembro pa umano siya ng drug group na Commando, ayon sa pulisya.

Pagbebenta at pagbibitbit ng ilegal na droga ang kasong haharapin ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.