PatrolPH

4 patay sa engkuwentro ng mga sundalo at hinihinalang NPA sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2021 07:49 PM

MAYNILA — Nasa 4 ang nasawi sa engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at umano’y itinuturing na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsiya ng Quezon ngayong Biyernes, ayon sa awtoridad.

Pahayag ni Quezon Governor Danilo Suarez, 3 sa mga sundalo ang namatay, samantalang 1 naman sa panig ng umano’y NPA ang nasawi, base sa report na inilabas 7:15 ng gabi. 

Patuloy pa rin umano ang engkuwentro sa boundary ng mga bayan ng Buenavista at Catanauan sa Quezon, ayon sa gobernador. 

Narekober naman daw sa suspected NPA rebels ang ilang matataas na kalibre ng baril at ilang mga pampasabog.

 Abangan ang iba pang mga detalye.

— Joyce Balancio, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.