Military truck na magdadala ng ayuda sa Taal naaksidente; 4 sundalo sugatan

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2020 03:09 PM | Updated as of Feb 05 2020 08:30 PM

Sugatan nitong Miyerkoles ang apat na sundalo nang maaksidente ang sinasakyan nilang military truck sa lungsod na ito. Retrato mula kay Lt. Col. Joseph Manangan.

TANAUAN CITY, Batangas (UPDATE) — Sugatan nitong Miyerkoles ang 4 na sundalo matapos maaksidente ang sinasakyan nilang military truck na magdadala sana ng relief goods para sa nasalanta ng Taal Volcano. 

Ayon kay Brig. Gen. Marceliano Teofilo, commander ng Task Force Group Taal, papuntang Laurel, Batangas ang truck nang mawalan ito ng kontrol matapos iwasan ang isang tricycle na nakaharang. 

Nang subukang iwasan ng truck ang tricycle, nawalan ng kontrol ang sasakyan at nahulog sa bangin. 

Isa ang sasakyan sa 6 na truck na naglalaman ng relief goods na dadalhin sana sa Laurel para sa Taal evacuees. 

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. 


— Ulat ni Dyan Loquellano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.