Establisimyentong walang sanitation measure vs 2019-nCoV maaaring ipasara?

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2020 12:32 PM | Updated as of Feb 05 2020 12:40 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Dahil sa takot na pagkalat sa bansa ng bagong coronavirus mula China, sari-saring hakbang ang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan para maiwasan ito. 

Kamakailan, nagbanta pa si Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ipasasara ang mga establisimyentong walang sanitation measures, tulad ng pagkakaroon ng hand sanitizers at tamang waste management.

Kasama din umano rito ang mga establisimyentong hindi magbibigay ng face masks sa kanilang mga empleyado. 

Pero may batayan nga ba ito sa batas?

Giit ng abogadong si Claire Castro, dapat munang may ordinansa ang lokal na pamahalaan bago maisakatuparan ang nais ni Olivarez.

"Magpirma muna siya ng ordinansa kasi hindi niya puwedeng basta-basta iutos 'yan by his word, hindi puwede. Medyo abuso 'yon," ani Castro sa programang "Usapang de Campanilla" 
nitong Miyerkoles. 

Sabi pa ni Castro, sinabi na rin naman ng Health officials na hindi kinakailangan ng lahat ng tao na magsuot ng face masks. 

Ang Sanitation Code of the Philippines, ani Castro, ay mas nakatutok sa kalinisan ng pasilidad ng establisimyento gaya ng kawalan nito ng maiinom na tubig, at iba pa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.