Construction worker na nadaganan ng concrete wall sa Negros Oriental, patay

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2020 03:47 AM | Updated as of Feb 05 2020 04:54 AM

Patay ang isang construction worker na si Jerome Cabalida matapos mahulugan ng precast concrete wall sa tinatrabahuang town house project Marter ng umaga sa Sibulan, Negros Oriental.

Kasamang nadaganan ang kanyang kasamahang si Crisaldo Cañete na ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital.

Sa imbestigasyon ng Sibulan Police, ii-install na sana ang precast wall gamit ang crane pero nang i-angat, aksidenteng naputol ang hook ng crane at nahulugan ng concrete wall sina Cabalida at Cañete.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.