Babaeng nagpuslit ng droga sa kulungan sa Parañaque, timbog

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2020 04:43 AM

Sa kulungan na rin ang bagsak ng isang babaeng inaresto matapos mahuling nagpupuslit ng shabu sa custodial facility ng pulis Martes ng hapon sa Parañaque.

Ayon kay Police Maj. Anthony Alising ng station drug enforcement unit, nahulihan ng 1 sachet ng shabu ang 31 anyos na babae nang kapkapan siya bago pumasok sa kulungan.

Nakita ang sachet na nakatago sa kanyang bra. 

Bibisitahin sana ng suspek ang asawa nitong nakakulong dahil sa drug case.

Ayon kay Alising, inamin ng suspek na inutusan siya ng "mayor" sa kulungan para magpuslit ng droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.