2 sugatan matapos mabangga ng motor ng mga ‘snatcher’

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2020 06:12 AM

Sugatan ang dalawang lalaki matapos mabangga ng motorsiklo, Martes ng gabi sa Bacolod City.

Mga snatcher umano ang nakabangga sa dalawang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulis, isang babae na sakay ng jeep ang biniktima ng riding in tandem. Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng biktima.

Humarurot ang mga suspek at sa kanilang mabilis na pagtakas ay nabangga nila ang 2 lalaki.

Pinagtulungan ng mga residente ang dalawang suspek matapos malamang mga snatcher ang mga ito.

Nakakulong ngayon sa Police Station 8 sa Bacolod ang dalawang suspek na nahaharap sa kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.