PatrolPH

11 estudyante, tiklo sa 'drug session' sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2019 04:36 AM | Updated as of Feb 05 2019 07:38 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Nahuli nitong Lunes ang 11 estudyante na gumagamit umano ng droga sa isang bahay sa Barangay Southside, Makati City.

Ayon kay Senior Insp. Gideon Ines, assistant chief of police for operations ng Makati, isinagawa ang operasyon matapos ireklamo ang mga estudyante dahil sa kanilang ingay.

Tumambad ang ilang sachet ng umano'y dried marijuana at mga drug paraphernalia. Nakita rin ang bakas ng hinihinalang shabu na ginamit ng mga menor de edad.

Karamihan sa mga estudyante ay nakasuot ng school uniform. Sila ay may edad 14 hanggang 17.

Itinanggi ng mga estudyante na sangkot sila sa umano'y drug session. Itu-turn over sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Ayon kay Ines, nasa drugs watch list ang may-ari ng bahay, pero hindi ito kasama sa nahuli. Ngunit sa panayam kay Senior Supt. Rogelio Simon, chief of police ng Makati, sinabi niyang wala ito sa listahan.

- ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.