PatrolPH

Russian embassy sa Makati, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2022 11:11 PM | Updated as of Feb 05 2022 03:57 PM

Kuha ng FIRE AND RESCUE ALERT RESPONDERS

MAYNILA (UPDATE) — Tinamaan ng sunog ang embahada ng Russia sa Dasmarinas Village, Makati City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa BFP, sumiklab ang second floor ng embassy sa Acacia Street bandang alas 8:30 ng gabi.

Umakyat sa 2nd alarm ang sunog dakong alas 8:42 ng gabi bago ito nakontrol alas 9:38 ng gabi. Idineklara naman itong fire out bandang alas-2:10 ng madaling araw Sabado.

Sa video na kuha ng Fire And Rescue Alert Responders, makikita ang lakas ng lagablab na tanaw mula sa kalsada.

Nangangalap pa ng karagdang impormasyon ang Makati Central Fire station ukol sa naturang sunog sa Russian embassy.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog kung saan umabot ng mahigit P101 milyon ang pinsalang idinulot. — Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.