PatrolPH

PANOORIN: Pagsalpok ng pick-up sa 2 SUV kita sa dashcam

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2022 10:50 PM

via John Andrew Ranera
Isang pick-up truck ang bumaligtad matapos sumalpok sa dalawang SUV sa Camalig, Albay nitong Biyernes. Kuha ni John Andrew Ranera

Nakunan ng isang dashboard camera ang pagsalpok ng isang pick-up truck sa dalawang kasalubong na SUV sa bayan ng Camalig, Albay nitong Biyernes ng hapon.

Kita sa dashcam ni Jennifer Cervantes ang pagtilapon ng sasakyan bago ito bumaliktad sa gilid ng kalsada. 

Nangyari ang insidente sa bypass road sa Barangay Libod bandang 1:00 ng hapon.

Watch more News on iWantTFC

Sa inisyal na imbestigasyon ng Camalig Municipal Police Station, nawalan umano ng kontrol ang pick-up kaya sumalpok ito sa mga SUV.

Sugatan lahat ang mga driver at pasahero ng tatlong sasakyan.

Dalawa sa pitong sugatan ay mga pulis na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente.

— Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.