PatrolPH

Tone-toneladang medical waste sa Quezon Medical Center sinimulan nang hakutin

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2022 05:53 AM | Updated as of Feb 04 2022 06:39 AM

Watch more News on iWantTFC

Sisimulan na ang paghahakot ng nasa 100 toneladang hazardous medical waste na 3 buwan nang nakatambak sa compound ng Quezon Medical Center sa Lucena City.

Bumili na ang pamunuan ng ospital ng mahigit 80 drums para paglagyan ng mga basura bago hakutin ng mga trak papuntang treatment facility.

Isa-isa nang inilagay sa mga drum ang mga basura nitong Huwebes. Inaasahang sa loob ng 8 araw matatapos ng mga naka-kontratang hauler ang paghahakot ng basura .

Nauna nang nagreklamo ang mga residenteng malapit sa ospital dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa nakatambak na mga basura.

Ayon sa hepe ng ospital, hahakutin ang mga basura sa mga oras na kakaunti ang tao sa ospital.

Inaasahan din umanong magpapatuloy ang pagsingaw ng mabahong amoy mula sa mga basura habang hinahakot ang mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.