PatrolPH

Diether Ocampo sugatan sa aksidente sa Osmeña Highway

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2022 05:17 AM | Updated as of Feb 04 2022 09:14 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Wasak ang harap ng SUV ng aktor na si Diether Ocampo matapos itong sumalpok sa isang garbage truck sa Osmeña Highway sa Makati City mag-aala una ng madaling araw Biyernes.

Minamaneho ng aktor ang SUV sa southbound lane ng service road.

Nabigla ang driver ng nakaparadang garbage truck nang bigla na lang itong banggain ng SUV.

Sa lakas ng pagkakabangga, umangat ang hood ng SUV at umurong ang bumper nito.

Agad namang rumesponde ang Philippine Red Cross para itakbo ang sugatang aktor sa ospital.

Wala pang opisyal na pahayag sa lagay ngayon ni Ocampo at patuloy rin ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.