Truck nahulog sa bangin sa Negros Oriental, 1 patay

Barbara Mijares, ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 03:08 PM

Isa sa apat na sakay ng truck ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa Bayawan City, Negros Oriental. Larawan mula sa Negros Oriental Police Provincial Office

Isa ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang truck sa Bayawan City, Negros Oriental, Lunes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, patay ang pasahero ng truck na si Jake Librando, 19. Naisugod pa siya sa ospital pero binawian rin ng buhay dahil sa malubhang sugat na natamo.

Pababa umano ang truck sa pakurbadang bahagi ng daan ng Sitio Balaobalaoan, Barangay Nangka nang mawalan ito ng preno at tuluyang nahulog sa bangin.

Ginagamot naman sa ospital ang 28 anyos na driver at dalawang iba pang mga pasahero. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.