Tricycle driver, patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 05:04 AM | Updated as of Feb 04 2020 07:57 AM

Watch more in iWantTFC

Patay ang isang 40 anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin Martes ng madaling araw sa Commonwealth, Quezon City.

Duguan ang bangkay ni Fortunato Gacol matapos ang insidente sa kanto ng Villonco. Nagkalat sa gilid ng tricycle ang hindi bababa sa 5 na bala. 
 
Ayon sa barangay tanod na si Ben Pol, riding in tandem umano na naka-face mask, nakasuot ng blue na jacket ang nagpaputok sa biktima. 

Ayon sa mga awtoridad, wala sa watchlist ang biktima. Iniimbestigahan pa ng Quezon City Police District 6 ang insidente.
 
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.