Sunog, sumiklab sa 3 barangay sa Sulu; 2,000 pamilya, apektado

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 12:22 AM

SULU - Aabot sa 2,000 pamilya mula sa 3 barangay ang apektado ng sunog na sumiklab Lunes ng umaga sa Jolo, Sulu.

Nagsimula ang sunog sa isang bunkhouse alas-9 ng umaga hanggang sa kumalat ito sa mga kalapit na barangay.

Agad rumesponde ang lokal na Bureau of Fire Protection at naapula ang sunog ng ala-una ng hapon.

Tumulong din ang Sulu Red Cross at Philippine Coast Guard sa mga biktima ng sunog, ayon kay Preciosa Chiong ng Red Cross Sulu.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng natupok ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.