Babaeng negosyante, patay sa pamamaril sa Calbayog City

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 04:43 AM

Patay ang isang negosyanteng babae sa pamamaril nitong Linggo sa Barangay Rawis, Calbayog City, Samar.

Sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, napag-alamang nasa tindahan ang biktima nang pasukin ito ng lalaking nakasuot ng sumbrero sabay binaril.

Pagkalabas ng salarin, may nakaabang nang lalaking nakasakay ng motor para makatakas ang suspek sa pinangyarihan ng krimen.

Nakuha mula sa crime scene ang isang basyo ng caliber .45 na baril.

Inaalam pa ngayon ng Calbayog Police ang motibo sa krimen at patuloy na tinutugis ang mga salarin.-Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.