12 kilo ng marijuana, nasabat sa Caloocan at QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 11:45 PM | Updated as of Feb 05 2020 07:02 PM

(UPDATE) Aabot sa 12 kilo ng marijuana ang nasamsam sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Caloocan at Quezon City. 

Huli sa operasyon ng Northern Police District drug enforcement unit ang isang lalaking umaming napag-utusan lang umano para mag-deliver ng mga tuyong dahon ng marijuana.

Isinagawa ang transaksyon sa parking lot ng isang supermarket sa Monumento, Caloocan.

Nasamsam sa kanya ang isang vacuum-packed na marijuana brick at 5 iba pang nakabalot ng plastic.

Ayon sa suspek, P12,000 ang pinangakong parte niya kapag naideliver ang marijuana na nilagay sa luggage bag.

Naaresto naman ang 2 lalaking nagbebenta umano ng marijuana matapos masabat sa kanila ang 6 kilo ng droga na may halagang P720,000.

Ayon sa Quezon City Police District Station 1 na nagsagawa ng operasyon, itinuro sila ng mga naunang nahuli.

Posible rin na iisa ang source nila sa suspek na naunang nahuli sa Caloocan.

Watch more in iWantTFC

Kulong ang dalawang lalaki sa La Loma Police Station.

Sa Kalinga pa umano galing ang marijuana ng parehas na mga suspek.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.