16 nasagip sa 'pambubugaw' sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 08:00 PM | Updated as of Feb 04 2020 08:18 PM

Watch more in iWantTFC

Labing-anim na babaeng ibinubugaw ang nasagip ng National Bureau of Investigation sa isinagawang entrapment operation nito sa isang gusali sa Quezon City.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang itinuturong bugaw na si Joshua Bordon matapos nitong tanggapin ang pera mula sa mga operatibang nagpanggap na kostumer.

Kabilang sa mga nasagip ang 5 menor de edad.

Ang iba sa mga babae ay pinakikilala sa mga kostumer bilang beauty queen para masingil ng mga ito nang mas malaking halaga, ayon kay Janet Francisco ng NBI Anti-Human Trafficking Division.

Dadalhin sa Department of Social Welfare and Development ang mga menor de edad na nasagip habang kulong naman si Bordon sa kasong human trafficking at child abuse.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.