PatrolPH

EcoWaste Coalition nagbabala vs nakalalasong lucky charms

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2019 04:34 PM | Updated as of Feb 04 2019 08:43 PM

Kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year, nagbabala ang environmental group na EcoWaste Coalition ukol sa pagbili ng lucky charm o pampasuwerte na may lamang nakalalasong mga kemikal.

Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste Coalition, lumalabas sa pagsusuri na mataas ang nilalamang cadmium at lead ng 15 sa 20 lucky charms na kanilang binili sa Binondo at Quiapo sa Maynila.

"Some lucky charms and amulets that are supposed to attract energy, health, fortune, and happiness are unluckily contaminated with cadmium and lead, two highly hazardous substances," ani Dizon.

Kabilang umano sa mga nabiling "lucky charm" na may mataas na antas ng lead at cadmium ay red fabric bracelet, stainless steel necklace na may pig pendant, at stainless steel necklace na may money pouch pendant.

May naidudulot kasing panganib sa kalusugan ang lead at cadmium, ani Dizon.

Kung hindi naman daw maiiwasan ang pagbili ng mga lucky charm, mainam umanong piliin ang mga lucky charm na may plastic laminate. --Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.