PatrolPH

2 babae huli matapos magnakaw ng tsokolate sa supermarket

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2019 10:13 AM

MAYNILA- Arestado ang dalawang babae nitong Lunes ng umaga matapos magnakaw ng mga tsokolate at gatas sa isang supermarket sa Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang 2 kahon ng gatas, 4 na iba’t-ibang klase ng tsokolate at hair gel na may kabuuang halaga ng mahigit P5,000.

Hinarang ang 2 babae ng guwardiya ng pamilihan matapos umanong magmadaling umalis nang hindi nagbabayad, ayon kay SPO1 Apolinar Duro ng Quezon City Police District Station 2.

Dagdag pa ng pulisya, wala namang anak ang 2 suspek kaya posibleng ninakaw nila ang mga gatas at tsokolate upang pagkakitaan.

Haharap sa kasong theft by shoplifting ang mga babae.

--ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.