Lalaking sinaksak sa leeg habang natutulog, posibleng 'napagtripan'

Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2018 05:11 PM

DAVAO - Sugatan ang isang lalaking natutulog sa tapat ng isang tindahan matapos saksakin sa leeg ng hindi pa nakikilalang salarin sa siyudad na ito, Linggo ng madaling araw. 

Kinilala ang biktimang si Talomo Semento, 36, foreman sa ginagawang Coastal Road sa siyudad. Agad naitakbo sa ospital ang biktima at kasalukuyan pang inoobserbahan ang kondisyon. 

Nakatulog umano ang biktima sa labas ng tindahan matapos uminom ng alak. Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo pero posibleng "napagtripan" ito ng mga gangster na nagra-riot sa lugar.

Ayon sa residenteng si Fatima Dapit, nakita pa umano niya ang biktima na mahimbing na natutulog at walang kasama bandang ala-1:00 ng madaling araw, bago ito saksakin. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.