Ang Philippine Charity Sweepstakes Office headquarters sa Mandaluyong City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
MANILA — Napanalunan ng dalawang mananaya ang dalawang lotto jackpot prizes Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes.
Isa sa kanila ang nanalo ng P5.9 milyong 6/42 Grand Lotto jackpot prize. Natamaan niya ang winning combination na 02-27-16-29-04-19.
Napanalunan naman ng isa pang bettor ang 6D Lotto jackpot prize na nagkakahalaga ng P5.1 milyon. Nakuha niya ang 2-1-5-3-1-0 na winning combination.
Nitong Martes, napanalunan din ang P25.4 milyong jackpot prize ng 6/42 Grand Lotto.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.