PatrolPH

TINGNAN: US aircraft carrier namataan sa San Bernardino Strait

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2022 01:16 AM

Kuha ni Michael Fugnit
Kuha ni Michael Fugnit

Nakuhanan ng isang photographer sa Sorsogon ang pagdaan ng isang US aircraft carrier sa San Bernardino Strait ngayong Miyerkoles ng tanghali.

Ayon sa photographer na si Michael Fugnit, nasa mataas na bahagi siya sa bayan ng Bulusan nang makita ang pagdaan ng warship. 

"Overlooking 'yung dagat. Nakasakay kami noon sa kotse tapos 'yung kasama ko, nakita 'yung dumadaang barko," ani Fugnit.

"Pagkatingin ko, hindi siya ordinaryong barko kaya kinunan ko agad ng larawan. May mahaba akong lens na kayang maabot 'yung barko, kaya kinunan ko." 

Ayon sa ilang sources, USS Abraham Lincoln ang pangalan ng dumaang aircraft carrier.

Wala pang ipinapalabas na impormasyon ang mga lokal na awtoridad kaugnay sa pagdaan nito.

Kamakailan lang, kasama ang naturang warship sa maritime drills ng US sa South China Sea.

— Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.