PatrolPH

Lalaking nanghalay sa kinakapatid arestado sa Pandacan

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2022 07:26 AM | Updated as of Feb 03 2022 08:04 AM

Watch more News on iWantTFC

Hawak na ng mga pulis ang isang 29 anyos na suspek sa panggagahasa sa sariling kinakapatid na menor de edad.

Lingid umano sa kaalaman ng suspek na si alyas Tomas na may warrant of arrest siya mula Villareal, Samar.

Ayon kay PLt. Jona Herrera ng Pandacan police, kinakapatid o step sister ng suspek ang biktima na 16 anyos lang noon.

Magkatabi silang matulog noon sa Samar dahil pinagkakatiwalaan ang suspek ng kanilang mga magulang pero may nangyayari na pala umano sa kanilang pagtulog.

Top 2 most wanted person sa Villareal si alyas Tomas na iniwan ang Samar para magtrabaho sa Manila matapos pumanaw ang kanyang ina. 

Natunton siya sa kanyang pinapasukang trabaho sa Valenzuela sa pamamagitan ng manhunt operation.

Dati na rin siyang nagtrabaho sa Pandacan.

Itinatanggi ng suspek na pinilit niya ang biktima at may relasyon umano sila. Pero tuloy ang pagsasampa ng reklamo ng pamilya ng biktima. Walang piyansa ang kasong rape na haharapin ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.