On the spot na na-hire ang 73 anyos na si Rotello Escanilla bilang call center agent sa Bogo City sa Cebu. Courtesy: Rodge Tonacao
On the spot na na-hire ang 73 anyos na si Rotello Escanilla bilang call center agent sa Bogo City sa Cebu. Courtesy: Rodge Tonacao
On the spot na na-hire ang 73 anyos na si Rotello Escanilla bilang call center agent sa Bogo City sa Cebu. Courtesy: Rodge Tonacao
Hindi iniinda ng 73 anyos na si Rotello “Tuti” Escanilla ang mahabang pila sa job fair na ginanap nitong weekend sa Bogo City sa Cebu, makahanap lang ng trabaho.
At dahil nagpursige siya sa screening process, hired on the spot siya bilang call center agent.
Kuwento ni Escanilla, matagal na niyang gustong pumasok sa isang full time na trabaho.
Simula nang magretiro siya, nagbebenta na lang siya ng kung ano-ano sa kalye ng Bogo. Kaya nang malamang may job fair, nag-apply siya kaagad.
“May experience ako sa call center for 12 years bago nag-retiro. Kaya sanay pa rin ako sa paghawak ng computer at ang boses ko ay ganoon pa rin,” kwento niya.
Sekreto niya umano ang pagiging masayahin palagi.
Dating nakapagtrabaho bilang salesman si Escanilla sa Maynila at Davao.
Naiinip raw siyang walang masyadong ginagawa sa bahay, habang ang kaniyang maybahay ay busy sa paghahanda ng mga module bilang isang guro sa isang public high school.
“Confident ako na makapasok ako at kakayanin ko 'to,” aniya.
Excited na si Escanilla makapagsimula sa trabaho, lalo at work from home lang siya at dayshift.
Natuwa naman ang Bogo City LGU na isang senior citizen ang nakapasok kagaad sa job fair.
“Iyon ang goal namin, na may inclusive na mga trabaho para sa mga kagaya ni Lolo Tuti. Isa siyang inspirasyon,” ani Rodge Tonacao na IT officer ng bayan.
Sisikapin aniya ng Bogo City LGU na makapagbigay ng maraming trabaho hindi lang sa mga senior citizen kung hindi para rin sa ibang sektor tulad ng persons with disabilities, at iba pa.
- ulat ni Annie Perez
MULA SA ARCHIVE
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.