PatrolPH

Pulis sa Negros Oriental pinagbabaril

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2021 08:47 PM

MABINAY, Negros Oriental – Patay ang isang pulis sa bayan na ito noong Lunes matapos siyang paulanan ng bala ng riding-in-tandem.

Kinilala ang biktima na si Police Mst. Sgt. Jesseden Carriaga, 54, custodial officer ng Mabinay Police Station.

Sa imbestigasyon ng Mabinay police, si Carriaga ay nanggaling sa bahay ng isang barangay kagawad kung saan sila nag-ayos ng taong may utang sa kanya. 

Paglabas ng pulis sa bahay, agad siyang pinagbabaril ng gunman na nakaangkas sa motorsiklo.

Limang basyo ng caliber .45 pistol ang narekober sa crime scene.

Dead-on-arrival sa ospital ang pulis.

Isa sa mga tinitingnang person of interest ng pulisya ang taong may utang sa biktima dahil umabot pa umano sa P90,000 ang utang nito sa kanya. 

Posible rin daw na dahil sa trucking business ni Carriaga ang motibo sa pagpatay sa kanya dahil may problema daw ang pulis sa mga empleyado nito.

–Ulat ni Romeo Subaldo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.