PatrolPH

Pagbiyahe ng buhay na baboy palabas ng Romblon ipinagbawal

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2021 12:04 PM

Ipinagbawal na ng provincial government ng Romblon ang pagbibiyahe ng live hogs o buhay na baboy palabas ng lalawigan upang masiguro ang lokal na suplay sa gitna ng patuloy na banta ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Ayon sa Executive Order No. 2 S. 2021 na pinirmahan ni Gov. Jose Riano, ipinagbawal ang pagbiyahe ng live hogs simula Pebrero 1 para matugunan ang demand ng pork at live hogs sa Romblon.

Makatutulong din daw ang kautusan para ma-regulate ang presyo ng karneng baboy sa harap ng mataas na demand para dito.

Tatagal ang ban nang 6 na buwan.

Isa ang Romblon sa mga lalawigan kung saan wala pang naitatalang kaso ng ASF.

Papayagan naman ang mga may breeder farm sa Romblon na accredited ng Bureau of Animal Industry na magbiyahe ng breeder pigs sa ibang panig ng bansa basta aaprubahan ng provincial veterinary office.

Tumaas ang presyo ng baboy sa ibang parte ng bansa dahil umano sa kakulangan ng supply bunsod ng ASF, na unang naiulat sa Pilipinas noong Setyembre 2019.

-- Ulat ni Andrew Bernardo

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.