PatrolPH

P680,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Marikina; 2 arestado

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2021 03:39 AM | Updated as of Feb 03 2021 07:11 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Ikinasa ng Marikina City Police ang buy-bust operation laban sa isang babaeng tulak umano ng droga Martes.

Nangyari ang transaksyon sa Jogging Lane, Barangay Barangka kung saan nakipagkita ang target sakay ng puting kotse.

Nagbenta ang suspek sa poseur buyer ng P8,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Kumpiskado rin sa kaniya at sa kasamang lalaki ang isang plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na aabot sa P680,000 ang halaga.

Ayon sa pulisya, malakihan na umano kung magbenta ng ilegal na droga ang 35 anyos na babaeng suspek.

Iniimbestigahan pa kung kanino nanggagaling ang kanilang suplay at at kung sino ang mga parokyano.

Nahaharap ang dalawa sa kasong pagbebenta ng iligal na droga na walang piyansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.