Mahigit P2.7-M halaga ng shabu, nasabat sa Pampanga

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2021 05:36 AM | Updated as of Feb 03 2021 07:08 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang isang lalaki na nakuhanan ng mahigit P2.7 milyong halaga ng droga sa Mabalacat, Pampanga Martes.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director Police BGen. Valeriano de Leon, nagkasa ng buy-bust operation ang Mabalacat Police sa McArthur Highway sa Barangay Tabun. 

Nakakuha sila ng impormasyon sa ilegal na gawain ng suspek na nasa data base ng illegal drug personality.

Nakipagkita ang police poseur buyer sa suspek at matapos ang bentahan, hinuli ang lalaki. 

Tricycle driver ang suspek na taga-Angeles City at matagal ng mino-monitor dahil nasa watchlist. Sangkot umano ang suspek sa illegal drug activity sa Mabalacat at Angeles City.

Nakuha sa kanya ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 400 grams. Nagkakahalaga ang mga itong ng mahigit P2.7 milyon. 

Kinumpiska rin ang sasakyan niya at isang digital weiging scale.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.