PatrolPH

Lalaki patay matapos umanong 'manlaban' sa pulis sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2021 03:34 AM

Patay sa isang operasyon ng pulis si Edward Sevilla sa Purok 4, Sitio Quarry A, Barangay Bacusanon, Pangantucan, Bukidnon Lunes ng madaling araw.

Inihain ng mga awtoridad ang search warrant sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition laban sa suspek.

Habang nagpapatupad ng search warrant ang mga awtoridad, nagpapaputok umano ng baril ang suspek.

Gumanti ang mga awtoridad hanggang sa matamaan ang suspek. Dinala pa ito sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .45 at mga bala, isang improvised shotgun, isang rifle grenade, at isang hand grenade.

Kasama sa search at seizure operation ang mga opisyal ng Barangay Bacusanon.

- ulat ni PJ dela Peña

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.