PatrolPH

Garbage truck nahulog sa bangin sa Davao City; 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2021 02:11 AM

Garbage truck nahulog sa bangin sa Davao City; 1 patay 1
Larawan mula sa Davao City Central 911

DAVAO CITY -- Nagsagawa ng rescue operation ang Central 911 Urban Search and Rescue Team sa garbage compactor truck na nahulog sa bangin sa Barangay New Carmen, Tugbok district, Davao City Lunes ng gabi.

Dumiretso sa malalim na bangin malapit sa New Carmen dumpsite ang truck nang may iwasan umano itong kasalubong na sasakyan.

Nakuha ng mga rescuer mula sa truck ang dalawang sakay at iniakyat gamit ang lubid at spine board.

Naisugod sa ospital ang isang sugatang pasahero, pero namatay ang driver ng truck dahil sa lala ng aksidente.

- ulat ni Hernel Tocmo

RED ALERT THROWBACK:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.