PatrolPH

Barangay chairman sa Samar, arestado dahil sa mga 'di lisensiyadong baril

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2021 03:45 AM

CALBAYOG CITY - Arestado ang isang barangay chairman nang ipatupad ng Criminal Investigation and Detection Group Samar ang Oplan Paglalansag Omega/Salikop sa Barangay Capoocan, Calbayog City Lunes ng gabi.

Sa bisa ng isang search warrant, pinasok ng pulisya ang bahay ni Crispo Bello, 47 anyos at barangay chairman ng Barangay Tigbe sa Calbayog City.

Nakuha mula kay Bello ang isang M-16AI Elisco rifle, 9 na live ammunition para sa M-16 rifle, isang caliber .45 pistol, isang M-16 magazine, isang Colt .45 magazine, at isang itim na sling bag.

Nasampahan na ng kasong paglabag ng Republic Act 10591 ang suspek.

- ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.