Magkapatid na bata, patay sa pananaksak sa Negros Oriental

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2020 12:26 AM

LA LIBERTAD, Negros Oriental - Patay ang magkapatid na bata habang sugatan naman ang tatlo pa nilang kapatid at 2 kamag-anak matapos pagsasasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pacuan sa bayan ng La Libertad, Negros Oriental, Linggo ng umaga.

Base sa paunang imbestigasyon, bigla na lamang umanong pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima at sinimulan ang pananaksak.

Agad ring nahuli ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng La Libertad Police.

Patay ang magkapatid na 8 at 2 taong gulang habang sugatan naman ang tatlo pa nilang kapatid maging ang kanilang lolo at lola.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.