3 drug suspect patay sa engkuwentro sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2020 01:20 PM

Patay ang 3 drug suspect matapos mauwi sa barilan ang buy-bust operation na ikinasa ng pulisya laban sa kanila sa San Jose del Monte, Bulacan nitong hatinggabi ng Lunes.

Kinilala ng pulisya ang isa sa mga suspek bilang si JR Borromeo. Hindi pa umano natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga kasama nito.

Nanlaban ang mga suspek matapos matunugang mga pulis ang kanilang katransaksiyon sa may Barangay San Manuel bandang alas-12:30 ng hatinggabi, ayon sa pulisya.

Narekober sa mga suspek ang 30 sachet ng hinihinalang shabu, mga sumpak, at bala.

Inaalam ng mga pulis kung may iba pang kasabwat ang mga nasawing suspek sa pangangalakal ng ilegal na droga.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.