Baywalk sa Maynila dinagsa ng mga namamasyal

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2019 08:23 AM | Updated as of Feb 03 2019 07:24 PM

MANILA - Mas dumami pa ang bilang ng mga namamasyal sa Baywalk sa Manila Bay ngayong Linggo. 

Alas-singko pa lamang ng umaga ay nagsimula nang magdatingan ang mga namamasyal. Naglatag ng sapin sa buhanginan ang marami at doon nag-picnic.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Nanette Lugod, 15 taon na siya pabalik balik sa Baywalk at ngayon aniya ang pinakamaraming tao na nakita niya sa Baywalk. Masaya siya na naging malinis ang dagat at sana aniya, huwag nang magkalat ang mga tao dito.

Si Narriel Mondala naman, dala ang 1 taong gulang na anak na si Narmel. Nag-swimming sila at inalintana ang sakit na posibleng makuha sa tubig.

Sa ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ang paglangoy sa Manila Bay dahil madumi pa rin ito ayon sa mga awtoridad. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.