MAYNILA - Isang empleyado ng Office of the Ombudsman ang pinagbabaril sa Quezon City nitong Miyerkoles ng umaga.
Ayon sa Quezon City Police District, ang biktima na si Dianne Jane Paguirigan, 37, ay nasa tapat ng RCBC Bank sa Quezon Avenue malapit sa kanto ng Cordillera St. nang lumapit sa kaniya ang isang lalaki at bigla na lang inagaw ang bag niya.
Dito na siya binaril ng suspek. Natamaan siya sa kaniyang kanang dibdib.
Tumakas ang suspek, habang isinugod sa ospital si Paguirigan, na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.
Dalawang basyo ng bala ng baril ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon sa pulisya, sa Military and Other Law Enforcement Offices ng Ombudsman nagtatrabaho ang biktima.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek, na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.