MUSCAT - Patok na tambayan sa mga Pinoy tuwing weekend ang Oman Club dahil sa basketball tournament na inorganisa ng Oman Pinoy Basketball League (OPBL) sa pakikipagtulungan ng Al Azim LLC.
Matapos kasi ng dalawang taon walang paliga, balik normal na ang lahat ng mga aktibidad sa Oman tulad ng sports. “After pandemic we were able to have a basketball tournament.
"We no longer have to use a mask and we are able to interact with each other and it's the best feeling right now,” sabi ni Kristine Endozo, muse ng Strabag.
May 11 team ang lumahok mula sa iba-ibang kumpanya. Ayon sa grupo, inorganisa nila ang torneo para makapag-exercise at may mapaglibangan ang mga Pinoy matapos ang mahigit na dalawang taon ng pandemya.
“Considering after the pandemic ang lahat ng ating mga kababayan ay very raring and very naiinip na po para mag-umpisa ang basketball dito sa Oman,” sabi ni Allan Minoza, OPBL adviser.
“Just for fun, exercise and to meet new friends and for fitness, that's the main goal, that’s why I joined this tournament,” sabi ni Glen Magbanua, player.
Layunin din ng torneo ang magbigay ng tulong sa Omani charity.
“All proceeds of the tournament will be given to charities here in Oman namely Dar Al Atta at sa Muscat Municipality. Oman has been a very gracious host for all of us OFWs here. The past many years we've been here and it's only rightful that we give them thanks and acknowledgement and appreciate their warm hospitality towards us and the thousands of our kababayans here in Oman,” dagdag ni Minoza.
“It is such a nice gathering it is really inspiring us all this people gathering together just to have fun, have a competition. The most important thing is everybody smile and they are going to compete with the game but with friendly spirit,” sabi ni Jahad Abdullah Mohamed Al Shaikh, Vice-President ng Oman Club.
Sinamantala rin ng ilan nating mga kababayan ang pagkakataon para makapagbenta ng mga pagkaing Pinoy na kinagigiliwan ng lahat.
“Dahil kakatapos lang ng pandemic kahit papaano kikita ulit. Maraming salamat,” sabi ni Eden Cogal, vendor.
“Kasi sabik na po ang kapwa nating Pinoy sa ating pagkaing Pilipino,” sabi ni Elnie Dispania, Pinoy food seller.
“We’re here in Oman club ngayon, meron pong Filipino foods here like isaw, adidas and ulo ng manok,” sabi ni Dorothy Malayao, muse ng Little Manila shop.
Ginaganap ang torneo tuwing Huwebes hanggang Sabado at tatagal hanggang Abril ng taong ito.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Oman, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: