Patay ang isang babae habang sugatan ang dalawa niyang kasama matapos sila tagain ng asawa ng isa sa mga biktima sa Real, Quezon, Miyerkules ng gabi.
Ayon sa report ng Real Municipal Police, dakong alas 10:00 ng gabi, nag-iinuman sa isang bahay sa Brgy. Poblacion Uno ang tatlong biktima kasama ng ilan pang kababaihan nang dumating ang asawa ng isa sa mga ito.
Nagkasagutan ang mag-asawa hanggang sa mauwi ito sa pagbunot ng itak ng lalaki at tagain ang kanyang misis.
Bagama’t may tama, nagawang makatakbo ng ginang.
Napagbalingan naman ng suspek ang nasawing biktimang isang nagngangalang Rose at isa pang babaeng kainuman at siyang pinagtataga.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pananaga, samantalang isinugod naman sa ospital ang tatlong biktima. Idineklarang dead on arrival ang babaeng kinalalang si Rose.
Nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya para madakip ang suspek. — Ulat ni Ronilo Dagos