PatrolPH

2 sa 4 na Japanese fugitives, mauunang i-deport, ayon sa DOJ

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2023 09:07 PM

MAYNILA - Mauuna nang ma-deport ang dalawa sa apat na puganteng Japanese na nakapiit sa detention facility ng Bureau of Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa isang panayam, sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla ”cleared” na ang kaso ng dalawa sa mga ito pero umaasa siyang hindi rin magtatagal ay susunod namang made-deport ang dalawang iba pa.

“We will be deporting some people when they are available to be deported and maybe two of them will be deported ahead of the others. It will be a little delay just to make sure that we comply with the rules and the law,” sabi ni Remulla.

Hindi naman makapagbigay ng eksaktong petsa ng deportation ang kalihim.

Una nang hiniling ng Japanese Embassy na pagsabay-sabayin na lang sana ang deportation ng apat.

Sabi ni Remulla, pinag-aaralan na rin ang posibleng pagbabago sa “rules” o panuntunan sa deportation process ng mga banyaga sa bansa. Dagdag ng kalihim, ang kasalakuyang panuntunan sa deportation ay nailatag na bago pa man ang kanyang pag-upo sa DOJ.

Binigyang diin pa ng kalihim na ang deportation ng apat na Japanese nationals ay hiniling ng Japanese Embassy, apat na taon na ang nakalilipas.

“Apparently the request for deportation was made 4 years ago… We were notified about a week ago and we spoke to them and we have been working daily on this matter. We expect to be able to have good results in a few days time,” paliwanag ni Remulla.

Nais aniya nilang magkaroon muna ng “finality” sa kinakaharap na kaso ng mga Japanese na ito bago ang deportation.

“Tomorrow I think that the hearings tomorrow will just be formal hearings of these cases already - that’s why we’re confident that we can already send two home the soonest possible time,” ani Remulla.

Paliwanag ni Remulla, may mga kinakaharap na kaso ang Japanese fugitives hindi lang sa Taguig City, kundi sa Mindanao, Visayas, at iba pa sa Metro Manila na sinadya aniya ng mga abogado ng mga ito para maantala ang kanilang deportation.

“We’re talking about 5 venues that were used by lawyers to file fabricated cases… We’re just left with a few but we just have to finish them patiently. We just have to follow the process,” sabi ni Remulla.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.