PatrolPH

Higit P800k halaga ng hinihinalang marijuana nakuha sa estudyante sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2021 11:24 PM

Higit P800k halaga ng hinihinalang marijuana nakuha sa estudyante sa Bataan 1
Kuha mula sa PNP Regional Office 3.

Nahulihan ng mahigit P800,000 halaga ng hinihinalang marijuana ang isang estudyante sa isang buy-bust sa bayan ng Mariveles, Bataan nitong Martes.

Umaabot sa 7 bricks ng tinatawag na marijuana fruiting tops at self-sealing transparent plastic sachets ang nakumpiska kay alyas Vin sa Barangay Batangas II.

Inaresto ang suspek sa operasyong isinagawa ng Bataan Provincial Intelligence at Drug Enforcement Unit.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa nahuling estudyante. -- Gracie Razon Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.