50 bahay sa Parañaque nasunog

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2018 04:48 PM | Updated as of Feb 02 2018 04:55 PM

MANILA- Nasunog ang mahigit sa 50 bahay sa Gomburza Street, Barangay Sto. Niño sa lungsod ng Parañaque nitong Biyernes.

Mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na nagsimula umano bandang alas-6 ng umaga at idineklarang under control ng mga bombero bandang alas-7 ng umaga.

Ayon kay Supt. Robert Pacis, isang fire marshal, 3 beses nang nasunog ang lugar.

Wala naman umano silang sapat na batayan para mapatunayang sinasadya ang sunog sa nasabing private property, ngunit jumper o ilegal na koneksyon ng kuryente ang isa sa hinihinalang sanhi ng sunog.

Tinatayang aabot sa higit P300,000 ang halaga ng pinsalang dinulot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.